“Panandaliang Nararamdaman”
Isa,
isang araw nakita kita sa paaralan, mga mata moy nagniningning, akoy biglang
nabighani sa iyong kakisigan. Agad
akong napangiti, tumigil ang mundo ko sa di malamang dahilan. Hindi ko makakalimutan
ang unang araw na nakita kita,
parang
ang saya saya ko, tila walang pinoproblema.
Dalawa,
dalawang beses akong nagtataka, bakit kapag nariyan ka, para akong
kinukuryente? Hindi mapakali kapag nakakasalubong ka. Alam kong ito’y paghanga
lamang pero nang kalaunan na, mas
naging interasado sa iyo,
pero
baka ilusyon lang ang lahat ng ito.
Tatlo,
tatlong segundo akong natulala sayo, mapupungay mong mata tila hindi ko
mapigilan na sumigaw dahil ang mga matang iyon ay hindi ko inakalang nakatitig
na rin pala sa akin. Sana
ako’y mahulog sa bangin, dahil hindi ko mapantayan ang iyong mga titig na pati
balahibo ko ay napatindig.
Apat,
apat na pagkakataon na muntik na kitang makausap pero tila namimilipit ang itong
aking dila at hindi makapagsalita. Natatakot
ako na baka sa paglapit ko,
iyon
din ang hakbang ng paglayo mo, gulong-gulo ang isip ko, nagbabaka-sakali ay na
sana mapansin mo ang tulad ko?
Lima,
limang buntong hininga , nang makita kang may kasamang iba, ika’y tuwang-tuwa, ito
rin ang kasabay ng aking pagluha. Sa
totoong dahilan walang dapat ikalungkot diba?Pero
bakit ang hapdi? Sadyang
pag-ngiti na lamang ang aking maisusukli.
Anim,
anim na sampal ang nakuha ko, sampal ng realidad, na
dapat matagal ko nang nakuha. Bakit pa kasi umasa?! Umasa
ako sa wala ngunit nung ako ay handa ng kalimutan ka, bigla
mong sinabi ang kataga “gusto kita” pero huli na,
yung
pagmamahal ko na dapat ay sa iyo ay napunta sa iba.
No comments:
Post a Comment