Tuesday, September 1, 2020

ILUSYON

Mga simpleng kwentuhan, simpleng tawanan at simpleng asaran.
Kamustahan at hindi-pagkakaintidihan. 
Nag-uusap palagi madalas umaabot ng hatinggabi.
Lahat ng iyon biglang nawala na parang bula datapwat may pangungulila.

Nagising sa katotohanan na ang mga nangyari ay panandalian lamang. 
Mga matatamis na salita ay tila naging mapait. 
Dapat nang kalimutan dahil lahat ng iyon ay ilusyon na nagmula sa isip.

Hindi mawari kung ano ang mali, kung ano ang dahilan at totoong nangyari.
Wala namang problema pero bigla niyang binura ang mga ala-alang na sanay pwede madagdagan.
Alam mong may limitasyon ngunit bakit binalewala?
Alam mong hindi pwede pero bakit umasa?
Alam mong imposible pero bakit nagbabakasali?
Ang mga narinig at nabasa mong salita ay hindi totoo!

Hindi mo masyado kilala ang tao pero bakit naging malapit ito sa loob mo?
Resulta lang ba siya ng pagkahumaling mo na may taong mag-aalala sayo?
Sana ay iyong tandaan at isa-isip na huwag magtiwala agad.
Huwag gawin ang mga bagay na alam mong walang kasiguraduhan dahil sa huli ikaw lang ang magsisisi.

Ang iyong nararamdaman ay pwedeng mag-iba sa personal kahit na pareho ang pinapakita.
Ang totoong pagkatao niya ay maaaring ibang-iba sa mga imaheng binuo ng iyong imahinasyon.
Ngayon ang tanong. Tama bang magkaroon ng damdamin sa hindi mo pa nakikita? 



No comments:

Post a Comment